Sunday, August 7, 2011

Somebody Has To Say It: 'Wag Kang Matakot...

    Sa buhay ng isang tao, dumadating ang mga pagkakataong hindi na natin makita ang daan... Dumidilim ang paligid at halos hindi mo na makita ang iyong sarili.. Maliligaw.. Kakabahan.. Matatakot.. May mga panahong hindi mo mahanap ang sarili, tatakbo sa mga kaibigan ngunit hindi mo sila makikita.. Malulungkot.. Iiyak.. Matatakot..

     Natatakot ka ba..? Oo! Natatakot akong magkamali sa aking buhay at magsisi balang araw.. Natatakot ako para sa aking kinabukasan dahil wala pang linaw ang lahat-lahat pagdating ng araw..  Natatakot akong mabuhay mag-isa at malungkot dahil sa walang masandalan sa mga problema sa buhay..

     Oo Takot Ako! Takot akong sumubok magmahal dahil hindi ko kayang pigilan ang aking sarili 'pag nagsimula na.. Natatakot akong magtanong dahil takot akong madinig ang hindi ko nais madinig mula sa iyo.. Takot akong lumayo ka at umiwas kapag nagkamali ako kaya ayos na siguro sa ngayon ang ganito.

      Oo Duwag Ako! Duwag akong ipagsigawan sa buong mundo ang nararamdaman ko para sa'yo kahit dito sa puso ko... "Nabibingi na ang utak ko kakasigaw sa pangalan mo!" Duwag ako.. Oo! Sa dami ng gusto mo, alam kong wala akong laban.. Ang alam ko lang, ako ang naunang magmahal sa iyo. bukod doon ay wala na!

       Oo Takot Akong Magtapat! dahil alam ko.. Hindi ko madidinig ang inaasahan ko mula sa iyo.. Hindi ko magugustuhan ang lalabas na salita sa iyong bibig at alam ko.. Malulungkot ako at matatakot! Pero dahil sinabi mo.. Maniniwala ako sa iyo..

       'Wag Kang Matakot.. Sana sa susunod na may magtanong sa iyo... 'Wag Kang Matakot! Sana sa susunod... 'pag dumating na yung taong gusto  mo... 'Wag Kang Matakot... 'Pag tinanong ka ng taong talagang gusto mo... 'Wag Ka ng Matatakot...!